Monday, November 28, 2005

Angas-angasan

"Kapag nagthe-thesis na kayo, sigurado sa akin din kau lalapit promise (with matching crossed fingers)"...

Ano kamo yun? Hindi ko linya yun, that's a line coming from our professor in Elementary Statistics. At bakit ko kamo nilagay? Wala na-angasan lang ako. Pano sa lahat yata ng mga naging Professors ko sa dalawang taon ko as college eh siya palang yata ang pinaka-mayabang at maangas sa lahat. Well, natutuwa na yata ako sa kanya bcuz despite of his "kayabangan" eh may ipagmamalaki namn siya. Take note mga dude "statistician" (sana corect ang spelling) siya, isa lang ang ibig sabihin, magaling sa math. Holy shit...

Well actually I never thouht na makaka kwentuhan din namin si Mr. life. Kasi nga nakaka-intimidate ang taong gaya nya. Pero we've got chance to talk to him "seriously", oo as in seryosong usapan. Lalake sa bakla. Ayun ang saya. Kinuwento nya ang kanyang college life at kung anu-ano pa. ang astig pala ni Sir. Natuwa nman ako sa kanya. =) mahilig pala siyang makipag-basag ulo nung kabataan niya hahaha!!

After naming makapg kwentuhan, I realized na trip ko pala siya. I dunno. Before, nung mga first or second week ng clsss yata eh abot langit ang galit ko sa kanya dahil sa sobrang kayabangan at pangengealam nya sa aming mag-tropa but after that nga natuwa na ko sa kanya. Ang angas nya sobra.

Napagtanto (ang lalim) ko rin na I like matured men. Literal ha? i like older guys. napansin ko lang. Most of the guys I'm falling for are older than me for i think 6 to 10 years. Weird no? pero totoo yun.

I know na may pagka-childish ako most of the time, but mas gusto ko na matured ang makakasama ko. Childish lang ako pag ganun din ang kasama ko but mas comfortable ako if I'm with matured peole. Mas mailalbas ko pa siguro kung sino ako.

Well,. I hate to admit this but I like him.The only problem is, he's a Math professor, and I really hate Math.

Tuesday, November 15, 2005

trip lang

Another week here in Cavite. It's already 5:55 in the afternoon. Haaayy ang boring dito. Wala na naman akong tulog. Ganito yata talaga kapag nahohome sick. Mga nakakatamad pang mga subjects kanina. Pero ayos lang at least nasurvive ko ang buong maghapon. Na masaya! =)

Half day lang kami tommorow. Elem stat, World Literature at Computer lang ang mga subjects namin bukas. Napakawalang kwenta. Pero ayos lang kasi aalis naman kami bukas ng mga tropa ko eh manonood kami ng Harry Potter hehehehe... napaka walang sense ng mga pinag sasassabi ko. Eneweiz inaantok lang kasi ako kaya eto walang maisulat na meju interesting. Bad trip kasi ang balak ko eh kaya ko mag-iinternet ay para humanap ng assignment ko, pero ayaw lumabas nung website kaya wala ring nangyari, nagaksaya lang ako ng pera.

Sige sa susunod na lang ulit ang dami ko pang gagawin.

Friday, November 11, 2005

welcome back

Halos one month din akong di nakapag-internet... sa wakas nakababa na rin ako ng bundok. Nakapag-internet na ko ulit ako sa wakas!

Natapos din ang one week. Akala ko hindi ako makakatagal. Unang araw ng second sem, shit... akala ko madali... nagdodorm na naman ako. Feeling ko para ulit akong first timer. I was really homesick. Para akong nasa Big Brother House at na-evict (ika nga ni Bebeth). Ang sama lang ng loob ko dahil isang araw lang ako makakapagstay sa bahay ng matagal, may kelangan kasi akong attenan na workshop sa school at whole day yun. Tsktsktsk.... tapos sa Monday balik school na naman ulit... at balik dorm, another one week na naman.

Tatlo na ang major subjects namin. Intro to Journalism, Laws of Mass Media at Intro to Broadcasting. Ohhhh di ba??? ang astig pakinggan! At syempre astig din dahil ang hihirap nilang lahat! Yung Intro to Broadcasting, masaya siya kasi nag-tour na kami sa lab na paggagamitan namin kapag nag-prod na kami. Pero Sabi ni Mr. Umali namamalo daw siya ng kamay kapag pamali mali kami sa pagpindot kapag na assign kami as technical director. Shiiittt nakakatakot tuloy. At nagmumura din daw siya. Haayyy tyagaan na naman. At pasensya syempre. nakaka excite ang second sem. Kasi marami kaming Prof na pinapanalangin na hindi sana nangangain ng buhay na estudyante.

Ngapala kagabi namatay yung pusa ko. Si sam. Ang lungkot lungkot ko kasi kuting pa lang un eh. ANg sakit sa puso.....

sige dito na lang muna.