07:19pm
Kanina pag uwi ramdam na ramdam ko na ang lamig ng hangin. Ibang iba na ang ambiance. Magpapasko na talaga.
I did not picture myself celebrating Christmas alone. I mean, oo kasama ko pamilya ko. Pero yun bang may ibang tao akong kasamang magcecelebrate. 2 Chirstmases, I celebrated it with him. But now. Everything's over. It just ended without me feeling that he had done enough to prove that he doesn't want to lose me. Wala eh. Mahirap magpapansin sa taong ayaw naman i full force ang tinatawag nyang "effort". Anong magagawa ko kung siya ang unang bumitaw? Na later on malalaman ko pang nagsisinungaling pala sa'kin. Sige naging unfair ako sa madaming bagay. Pero ni minsan hindi ako nag intensyon na magsinungaling para sa iba pang importanteng bagay sa buhay ko. Siguro nga masyadong importante sa kanya yun kaya nagawa niyang magsinungaling. Ewan. Pag naiisip ko pa din nanghihinayang ako sa tiwalang binigay ko. Kaya eto, ngayon, mag isa ako. Kahit pilitin kong ibaling atensyon ko sa ibang bagay makaiwas lang sa pag iisip mas lamang pa din ang mga oras na mag isa ako, ngumanalngal sa nangyari. No matter how I distract myself, ganun pa din. Sabagay, matagal na panahon din pinagsamahan namin. 2 years. 2years na 1/2 ata nun eh puro away. But I can't deny the fact that I love him, and I still do. Sabi ko nga sa kanya dati, I will always love him. Kahit na recently lang sinabi ko na mamamatay akong galit sa kanya at sa mga taong involved. Maybe it will took me a long time to heal dahil kumbaga sa sakit, "chronic" na ko. Malala na. At kelangan atang gamitan ng matinding antibiotic para kahit papano maisalba pa. Ma mimiss ko pa din siguro yung mga panahong masaya kaming magkasama. Lahat ng bagay na ginawa namin. Sayang. Ang dami pa naman sana naming plano. Pero wala. Hanggang dito na lang eh. Hanggang dun na lang ang kaya niya para ipaglaban yung sinasabi niyang "pagmamahal" niya sa'kin. Nakakalungkot.
Masyado na palang mahaba 'to. Ang hirap kasi ng nagtatago ng nararamdaman. Walang masabihan. Maski naman dati pa. Yung mga sama ng loob ko usually sinasarili ko na lang. Kaya sigurdo matinding depression na 'tong na eexperience ko ngayon. Sana kayanin ko pa.
